Miyerkules, Setyembre 21, 2011

Pinakamaimpluwensiyang Tao sa Buhay niyo

                         Sino sa buhay niyo ang  pinakamaimpluwensyang tao?Bakit siya ang napili niyo?Anu-ano ba ang kanyang mga katangian?

                         Ang pinakamaimpluwensyang tao sa buhay ko ay ang aking guro.Dahil tinuro niya tayo kong papaano magsulat,magbasa,o ano pa.Kaya ko siya nagustuhan dahhil ang kanyang mga katangian ay mapagbigay,matulungin,at higit sa lahat ay mabait.Siya ay mabait sa kanyang mga estudyante.Mapagbigay din kapag may nangagailangan ang aking guro ay ang taong nagturo sakin kong papano maging isang matalino at tapat na estudyante.

                         Ang guro ko kasing ito ay kapag may nagawa kang mali ay maitutuwid niya at hindi ka kaagad nito papagalitan dahil alam niyang lahat naman tayo ay nagkakamali.Para sa akin siya ang pinakamaimpluwensyang tao para sa akin at siya ang pinaka-pinakang the best na guro sa akin.Para sayo to aking guro "HAPPY TEACHER'S DAY".


                     Sana po at mag-ingat kayo at marami pa po kayong maturuang iba pang mga bata at labis po akong nagpapasalamat sa inyo at kayo ang aking naging guro.Maaalala ko po kayo kahit ako pa ay mag gragraduate na.

Martes, Setyembre 20, 2011

Pinakamasayang Araw sa Aking Buhay

                         Ano ang pinakamasayang araw sa inyong buhay?Bakit ito ang naging masaya para sa inyo?Ano bang pangyayari ito?
           

                          Lahat naman ng tao ay may araw na sila ay masaya.Katulad lo ang pinakamasayang araw ko sa aking buhay ay noong ika-7 kung kaarawan.Dahil marami akong handa at marami din ang bumati sa akin.Pero kahit kunti lang ang aming bisita ay masaya pa rin akoDahil naalala pa rin nila ang aking kaarawan.

Miyerkules, Setyembre 14, 2011

Pangyayaring Hinding-hindi malilimutan

                 Ano ang pangyayari ang hindi niyo malilimutan?Ang pangyayaring ito ay hinding-hindi mo malilimutan dahil masaya ito,nakakatawan,malungkot o masamang pangyayari.

                  Lahat naman ng tao ay may pangyayaring hindi malilimutan.Dahil minsan ang pangyayaring ito ay masaya para sa kanila.Ang iba naman ay may pangyayari sa buhay nila na hindi maganda o kaya naman ay nakakatawa.

                  Kagaya na lamang nung kaarawan ng aking kaklase.Ang pangyayaring naganap sa aking buhay ay hindi maganda dahil masama ang mga sinabi niya sa akin at hindi ako natuwa sa lahat ng kanyang sinabi sa akin.Ang pangyayaring ito ay masama para sa akin.

             

             



           
        Katulad na rin nung mapapalipat na ang aking nakatatandang kapatid sa ibang section.Siya ay malungkot na malungkot dahil ayaw niya pang mapalipat.Andoon kasi ang lahat ng kanyang mga kaibigan.Pero nung malaman niyang hindi natuloy ang lipatan ay tuwang-tuwa na siya.






  Noong magpapakasal ang aking pinsan ay bakas sa kanyang mukha na siya ay tuwang-tuwa dahil napangasawa niya ang lalaking kanyang minamahal at dumating ang panahon na kanyang inaasam-asam.Nagkaroon sila ng anak dahil sa kanilang tunay na pagmamahal.Ang pangyayaring iyon para sa kanya ay masaya.

Lunes, Setyembre 12, 2011

Tunay na Kaibigan

               Meron ba kayong kaibigan?Kaibigan na pagkakatiwalaan at kaya kayong ipinagtanggol kapag kayo ay may kaaway?Nandyan laging kapag kayo ay may problema yung bang tunay na kaibigan?

               Lahat naman tayo ay may kaibigan na mapagkakatiwala na kapag kayo ay may sinabi na sekreto ay hindii niya kayang ipagkalat dahil alam niyang masasaktan ka.At nandyan kapag kayo ay may problema umaalalay sa inyo at handa kayong damayan kahit ano man ang inyong problema.Ang tawag dito sa taong ganito ay tunay na kaibigan.

            Ako ay may mga kaibigan na nandyan para tulungan ako pag ako ay may problema sila ay ang aking mga tunay na kaibigan.Handa silang tumulong sa akin kahit ano man ang aking dinadanas na problema mahirap man yan o madali.Kapag ang isa ay may problema lahat ay nandyan para malaman kung ano ang problema at para maayos agad.






           

Epekto ng Social Networking Sites sa mga Kabataan

              Sa palagay niyo ang epekto ng "social networking site" sa mga tao?Mabuti ba ito o masama?


              Pinababago nito ang pananaw ng isang tao .Hindi nga lang natin alam kung saan ito papunta sa mabuti ba o sa masama.Hindi ko alam kung sino o ano ang aking paniniwalaan dahil maraming tao ang nagsasabi na may mabuting epekto ang "social networking site".Ayon sa balita marami ang nabibiktima dahil sa pakikipag-eyebol sa pamamagitan ng nasabing networking site.Kahit hindi nila kilala ay nakikipagkita pa rin sila kaya naloloko sila.Minsan ang mga kabataang babae na nakikipag-eyebol ay ginagahasa.Maraming kabataan ang nawiwili sa social networking site gaya ng  facebook,twitter,google,youtube,yahoo,at iba pa.


             Para sa akin mabuti at masama ang idinudulot ng social networking site sa mga tao.Ang mabuting dulot nito ay  nakakakuha ang mga tao ng impormasyon at ang masamang dulot nito ay naloloko sila at ginagamit sa masamang gawain.
             
             Ang iba naman ay hindi na nakakagawa ng kanilang assignatura dahil pagkauwi pa lamang ay pupunta na sa internet cafe o kaya naman ay kung meron silang internet sa bahay ang unang inaatupag ay ang pagkokomopyuter. 


            Sa palagay niyo ano ang naidudulot ng social networking sites sa mga kabataan,tao at sa buong mundo? 

Sabado, Setyembre 10, 2011

Epekto ng Teknolohiya


                      Ano ang teknolohiya?Ano ang epekto ng teknolohiya sa mga kabataan?Nakabubuti ba ito o nakasasama?Ano ang mga positibo at negatibong epekto?
                    Ang teknolohiya isang gamit na  pinadadali ang marami sa mga kritikal na proseso sa industriya pati na rin sa sa mga bahay. Para sa mga kabataan katulad ko ay nakabubuti ang teknolohiya dahil pinadadali ng teknolohiya ang mga gawain.Tulad na lamang kung gagawa ka ng iyong assignatura kung minsan hindi mo na kailangan gamitin ang iyong libro kunting pindot lang sa google ay makikita mo na ang sagot sa iyong assignatura.
                   Ang kompyuter na isang  teknolohiya ,ay marami nang binago sa ating mundo.Ang kompyuter ay marami na sa mga bahay malaki ang idinudulot ng teknolohiya sa ating mundo,nag-aayos ito ng mga data.Nagbibigay din ito ng mga mahahalagang impormasyo para malaman  natin ang mga bagay na hindi natin alam.
                 Ang "cellular komunikasyon"ay isang halimbawa ng teknolohiya ito ay maaring gamitin sa mga malalayong lugar upang makausap natin ang ating mga mahal sa buhay na matagal na din nating hindi nakikita dahil sila ay nasa malayong lugar. Satellite komunikasyon ay isa pa sa  mahalagang sukat ng teknolohiya.
               "Satellite telebisyon at satellite radios" ay ang pagsasahimpawid ng mga pangyayari sa buong mundo upang malaman kung ano ang nagyayari sa buong mundo.
                Maraming tao ang kadalasang nagtatalo kung ang teknolohiya ay nakakabuti o nakakasama. Marami ang naniniwala na ang teknolohiya ay may masamang epekto sa ating lipunan, pero marami rin ang pabor sa pag-unlad ng teknolohiya dahil ito ay nagbibigay ng magandang dulot sa pamumuhay ng mga Pilipino.
                Ang mga pananaw na ito ay tama, subalit, kailangan nating pag-aralan ng mabuti kung ang teknolohiya nga ba ay nakakatulong o nagdudulot ng masamang epekto. Ito ay nakasalalay sa ating mga Pilipino kung paano natin ito gamitin. Ito ay ang mga positibo at negatibong epekto ng teknolohiya.

Mga Positibong Epekto:
  • Pag-unlad ng antas ng libangan
  • Mas mapapadali ang pagresponde sa mga kaganapan
  • Mas mapapabilis at madami ang gawaing maaaring magawa
  • Global Networking
  • Mas mapapalapit sa iba sa pamamagitan ng komunikasyon gamit ang teknolohiya
  • Mas makakamura sa ibang paraan
  Mga Negatibong Epekto
  • Nakakadulot ng pagiging tamad ng mga tao
  • Maaaring gamitin sa karahasan
  •  Nakasisira sa kalikasa
  •  Technicism – pagiging kampante sa paggamit ng teknolohiya
  •  Ang pagkakaroon ng sobrang kaalaman ay maaaring humantong sa mali-maling sitwasyon.
  •  Ang makabagong teknolohiya sa larangan ng gaming at internet access ay maaaring makasira o maka-apekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral.
                       Ang mabuting naidudulot ng teknolohiya ay ang madaling makatapos ng gawain subalit ang masamang dulot nito ay hindi kayo tinutulungan nito para magsikap ng sarili mo ang ginagamit mo di na umaasa na lang sa iba.                      


                      Ang teknolohiya ay hindi lang nakakatulong nakakadulot din ito ng mga polusyong nakakaapekto sa ating kalikasan. Kung hindi ito gagamitin ng tama ay mas malaki ang posibilidad na mas malaki ang masamang epekto nito kaysa sa mabuti.