Miyerkules, Setyembre 14, 2011

Pangyayaring Hinding-hindi malilimutan

                 Ano ang pangyayari ang hindi niyo malilimutan?Ang pangyayaring ito ay hinding-hindi mo malilimutan dahil masaya ito,nakakatawan,malungkot o masamang pangyayari.

                  Lahat naman ng tao ay may pangyayaring hindi malilimutan.Dahil minsan ang pangyayaring ito ay masaya para sa kanila.Ang iba naman ay may pangyayari sa buhay nila na hindi maganda o kaya naman ay nakakatawa.

                  Kagaya na lamang nung kaarawan ng aking kaklase.Ang pangyayaring naganap sa aking buhay ay hindi maganda dahil masama ang mga sinabi niya sa akin at hindi ako natuwa sa lahat ng kanyang sinabi sa akin.Ang pangyayaring ito ay masama para sa akin.

             

             



           
        Katulad na rin nung mapapalipat na ang aking nakatatandang kapatid sa ibang section.Siya ay malungkot na malungkot dahil ayaw niya pang mapalipat.Andoon kasi ang lahat ng kanyang mga kaibigan.Pero nung malaman niyang hindi natuloy ang lipatan ay tuwang-tuwa na siya.






  Noong magpapakasal ang aking pinsan ay bakas sa kanyang mukha na siya ay tuwang-tuwa dahil napangasawa niya ang lalaking kanyang minamahal at dumating ang panahon na kanyang inaasam-asam.Nagkaroon sila ng anak dahil sa kanilang tunay na pagmamahal.Ang pangyayaring iyon para sa kanya ay masaya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento