Sabado, Setyembre 10, 2011

Epekto ng Teknolohiya


                      Ano ang teknolohiya?Ano ang epekto ng teknolohiya sa mga kabataan?Nakabubuti ba ito o nakasasama?Ano ang mga positibo at negatibong epekto?
                    Ang teknolohiya isang gamit na  pinadadali ang marami sa mga kritikal na proseso sa industriya pati na rin sa sa mga bahay. Para sa mga kabataan katulad ko ay nakabubuti ang teknolohiya dahil pinadadali ng teknolohiya ang mga gawain.Tulad na lamang kung gagawa ka ng iyong assignatura kung minsan hindi mo na kailangan gamitin ang iyong libro kunting pindot lang sa google ay makikita mo na ang sagot sa iyong assignatura.
                   Ang kompyuter na isang  teknolohiya ,ay marami nang binago sa ating mundo.Ang kompyuter ay marami na sa mga bahay malaki ang idinudulot ng teknolohiya sa ating mundo,nag-aayos ito ng mga data.Nagbibigay din ito ng mga mahahalagang impormasyo para malaman  natin ang mga bagay na hindi natin alam.
                 Ang "cellular komunikasyon"ay isang halimbawa ng teknolohiya ito ay maaring gamitin sa mga malalayong lugar upang makausap natin ang ating mga mahal sa buhay na matagal na din nating hindi nakikita dahil sila ay nasa malayong lugar. Satellite komunikasyon ay isa pa sa  mahalagang sukat ng teknolohiya.
               "Satellite telebisyon at satellite radios" ay ang pagsasahimpawid ng mga pangyayari sa buong mundo upang malaman kung ano ang nagyayari sa buong mundo.
                Maraming tao ang kadalasang nagtatalo kung ang teknolohiya ay nakakabuti o nakakasama. Marami ang naniniwala na ang teknolohiya ay may masamang epekto sa ating lipunan, pero marami rin ang pabor sa pag-unlad ng teknolohiya dahil ito ay nagbibigay ng magandang dulot sa pamumuhay ng mga Pilipino.
                Ang mga pananaw na ito ay tama, subalit, kailangan nating pag-aralan ng mabuti kung ang teknolohiya nga ba ay nakakatulong o nagdudulot ng masamang epekto. Ito ay nakasalalay sa ating mga Pilipino kung paano natin ito gamitin. Ito ay ang mga positibo at negatibong epekto ng teknolohiya.

Mga Positibong Epekto:
  • Pag-unlad ng antas ng libangan
  • Mas mapapadali ang pagresponde sa mga kaganapan
  • Mas mapapabilis at madami ang gawaing maaaring magawa
  • Global Networking
  • Mas mapapalapit sa iba sa pamamagitan ng komunikasyon gamit ang teknolohiya
  • Mas makakamura sa ibang paraan
  Mga Negatibong Epekto
  • Nakakadulot ng pagiging tamad ng mga tao
  • Maaaring gamitin sa karahasan
  •  Nakasisira sa kalikasa
  •  Technicism – pagiging kampante sa paggamit ng teknolohiya
  •  Ang pagkakaroon ng sobrang kaalaman ay maaaring humantong sa mali-maling sitwasyon.
  •  Ang makabagong teknolohiya sa larangan ng gaming at internet access ay maaaring makasira o maka-apekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral.
                       Ang mabuting naidudulot ng teknolohiya ay ang madaling makatapos ng gawain subalit ang masamang dulot nito ay hindi kayo tinutulungan nito para magsikap ng sarili mo ang ginagamit mo di na umaasa na lang sa iba.                      


                      Ang teknolohiya ay hindi lang nakakatulong nakakadulot din ito ng mga polusyong nakakaapekto sa ating kalikasan. Kung hindi ito gagamitin ng tama ay mas malaki ang posibilidad na mas malaki ang masamang epekto nito kaysa sa mabuti.  

    2 komento: