Lunes, Setyembre 12, 2011

Epekto ng Social Networking Sites sa mga Kabataan

              Sa palagay niyo ang epekto ng "social networking site" sa mga tao?Mabuti ba ito o masama?


              Pinababago nito ang pananaw ng isang tao .Hindi nga lang natin alam kung saan ito papunta sa mabuti ba o sa masama.Hindi ko alam kung sino o ano ang aking paniniwalaan dahil maraming tao ang nagsasabi na may mabuting epekto ang "social networking site".Ayon sa balita marami ang nabibiktima dahil sa pakikipag-eyebol sa pamamagitan ng nasabing networking site.Kahit hindi nila kilala ay nakikipagkita pa rin sila kaya naloloko sila.Minsan ang mga kabataang babae na nakikipag-eyebol ay ginagahasa.Maraming kabataan ang nawiwili sa social networking site gaya ng  facebook,twitter,google,youtube,yahoo,at iba pa.


             Para sa akin mabuti at masama ang idinudulot ng social networking site sa mga tao.Ang mabuting dulot nito ay  nakakakuha ang mga tao ng impormasyon at ang masamang dulot nito ay naloloko sila at ginagamit sa masamang gawain.
             
             Ang iba naman ay hindi na nakakagawa ng kanilang assignatura dahil pagkauwi pa lamang ay pupunta na sa internet cafe o kaya naman ay kung meron silang internet sa bahay ang unang inaatupag ay ang pagkokomopyuter. 


            Sa palagay niyo ano ang naidudulot ng social networking sites sa mga kabataan,tao at sa buong mundo? 

Walang mga komento:

Mag-post ng isang Komento